Thursday, June 11, 2009

Hinde pa natatapos ang day 3 meron na agad panibago

Anu ba mararamdaman ko? Masakit ba kasi di ka nagtxtxt o mas masakit kasi binabalewala mo ako. Di mo ko sinama sa swimming ng tropa. BAKET???????????? Kasi ayaw mo ko makasama o kaya makita???? Ganun ba yun??? O sadya lang na sinadya mo na wag nalang para madali ako makamove on sayo. Alam mo naman if ganu kita kamahal diba pero ayaw mo sa akin!!!! AYAW na AYAW. Ang hirap kaya ng feeling ng pinagtatabuyan. Naranasan mo na ba o talagang manhid ka lang na hinde mo nararamdaman. Ang sama na ng loob ko sayo. Baket anu ba ang ginawa ko na masama sayo ha???? Masama ba na mahalin kita. Kasalanan ko ba na maramdaman ko to. Sabi mo nga di mo ginusto na mahalin mo sya. Eh ako ginusto ko ba na mahalin kita. Sa bawat araw na hindi ka nagtxtxt anu yung naiiisip ko. ANO? Syempre na magkasama kayo o kaya hinde ka nagtxtxt sa akin kasi sya yung katxt mo. Anu ba ang gagawin ko para mahalin mo ulet ako? Para mabalik tayo sa dati na masaya. Sa dati na wala tayong ginawa kundi magharuhatan. Ang sakit eh!!! Ang sakit sakit!!!!

Wednesday, June 10, 2009

Day 3 - Anu pa ba???

Hmm. Anu ba sasabihin ko. Ayun super busog! kakakain lang kasi ng lunch eh.
Ang gara naman sya na naman bida dun sa panaginip ko. Pwede ba lubayan mo na ko. Pinipilit ko na nga sumaya yung buhay ko eh at masanay na wala kana talaga sa sirkulasyon ng buhay ko. Kaso ang hirap eh, anu paba kelangan mo sa akin? Nasabi mo na lahat diba. Bat ba naman pati sa panaginip ko tinatalikuran mo ko, pinagtatabuyan mo ako eh. Ilang beses mo pa ba gagawin at ipapaalala sa akin na sya yung pinili mo! na sya yung mahal mo. Oo masakit na! masakit na masakit na. Hinde kana naawa sa akin para gawin mo lahat to. Siguro nga kasi tinamaan ka sa kanya kaya mo nagagawa sa akin to. Sabagay sabi nila dehins ka naman ipagpapalit ng isang tao hanggang walang kapalit eh. O eh di sige magsama kayo!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Tuesday, June 9, 2009

Day 2 kaya mo pa ba?

OO malungkot ako!!!! Eh normal lang naman yung diba. Pano pa ba kaya maging masaya. Pinipilit ko naman eh pero parang lagi na lang me kulang. Namimiss ko sya! sya kaya naiisip nya ko. Pano nangyari na bigla nalang kaming nawala na parang bula. Ano ba kasi ang tunay na dahilan. Ako ba yung may mali? Ayoko sya sisihin, ang gusto ko lang maintindihan sya at dumating yung time na matutunan ko din tanggapin na eto ang realidad ng buhay. Na hindi lahat ng gusto ko eh mapapasaakin. Na lahat nang meron ako ngayon ay maaaring mawala sa isang iglap lang. Ang plastik ko nu. Ang dami kong gusto na mangyari at tanggapin pero bat nasasaktan ako. Ibig sabihin nun buhay nga ako. Nararamdaman ko pa yung sakit eh. Salamat at kahit papaano eh hinde pa ako manhid. Ang hirap mo naman kasi kalimutan. Hinde ko alam ano ba ang meron sayo baket ako nagkakaganito. Ang dami naman dyan pero bat ikaw ang gusto ko??? Sana naging magkaibigan na nga lang tayo sa una pa lang. pero hindi mo naman masisisi yung panahon eh. hinde ko din naman ginusto na magkagusto sayo. Hinde ko sinadya na mahalin ka. Oo siguro sa una ang laki ng tulong mo sa akin para makamove on ako sa past ko. Pero ngayon sino na ang makakatulong ko para makalimot naman ako sayo. Ganito nalang ba lagi? Alam ko kelangan ka nya para makamove on sya, pero hinde mo ba naisip na kelangan din kita? Hinde totoo na tapos na ang misyon mo sa akin. O baka naman sadya lang na tinapos mo na? Pano ko magsisimula sa buhay ko kung sa alam ko na ikaw yung kulang sa akin? Ngayon ba naiiisip mo pa ba ako o sya lang ang nasa isip mo? Ang dami kong tanong at madami din naman ako sagot pero baket nahihirapan ako na tanggapin. Nahihirapan ako sa simula pa lang na mawala ka sa isip ko. Sa bawat araw na nagdaan na hinde kita nakakausap na parang nahihibang na ko. Sa bawat gabi na itutulog ko na lang ikaw pa din yung naiisip ko. Aba nakakastress ka na ha. Sa halip na makapahinga ako sa mga oras na natutulog eh ikaw pa din yung kasama sa panaginip ko na parang pinagtatabuyan mo ako na layuan kana.

Me boss na pala. maya nalang continuation!

Saturday, January 3, 2009

Madaling araw na!!! Bat gising kapa???

Unang blog ko para sa taong 2009. Eto din ang unang blog ko sa blogspot.com.
Hindi talaga ako blogger, ala lang napagtripan ko lang. Malamang dahil sa hindi pa ko dinadalaw nang panggabi kong bisita. Aba bat parang ang tagal naman nya ata dumating ngayon. Nakakapanibago... parang hinahanap hanap ko sya ngayon! Lalo na sa mga araw na to, sa mga oras na unti unting nalilimitahan dahil sa magtatapos na ang bakasyon. Sa mga araw na nabibilang ko na ng aking kamay dahil sa papalapit nang papalapit na araw ng pagtutuos. Ang araw na papasok na naman ako sa opisina. Pero teka nga aking dalaw bat ba parang late ka ngayon? Unang pasok ng taon ganyan ba naman ang bungad mo sa akin. Panu ko naman makokompleto ang beauty rest ko nyan. Malamang sa mga susunod na araw lalo na pag me pasok na, memo ang maaabot sa akin neto. Kaw naman kasi!!! Dapat maaga kang dumadalaw eh, ayan tuloy napupuyat mo ko. Kung sino sino pa ata ang dinadaanan mo eh. Hindi ba ko ganun kaimportante sayo na para bang ako na lang lagi ang last option mo. Siguro kung hindi mo lang ako kelangan daanan at pukawin ang aking atensyon hindi mo ko siguro bibigyan ng panahon.

Habang ginagawa ko eto naramramdaman ko na ang presensya mo. Para kang dinadala ng hangin na waring di ko malaman san nanggagaling. Unti unti ka nang lumalapit sa akin. Oooopsss!!! Pls lang wag dyan sa bandang likuran ko dahil matatakutin ako. Wag mong idampi ang mga palad mo na pawang ikay nangangalabit sa aking likuran. Oo na! alam ko na nandyan kana. Hayaan mong tapusin ko muna etong unang hirit ko sa bagong taon. O hayan wala na kong maisip.

Antok tara na!!!